El Filibusterismo

Pangunahing paksa ng multimidyang presentasyong ito ang nobelang El Filibusterismo—ang kasunod ng nobelang Noli Me Tangere ni Dr. Jose Rizal. Tulad ng naunang nobela, isa ring obra maesta na maituturing ang El Filibusterismo dahil sa patuloy na paglalantad nito ng kalagayan ng Pilipinas sa ilalim ng mga Espanyol. Sinasabing isa itong handog o alay ni Rizal sa tatlong paring martir na sina Mariano Gomez, Jose Burgos, at Jacinto Zamora. Sa pagkakataong ito, umiikot ang nasabing nobela sa pamamagitan ni Crisostomo Ibarra na bumalik sa Pilipinas bilang Simoun. 

                                          




      

                                                         

                                                                       

Mga Tampok:

  • Tulad sa multimidyang presentasyon ng Noli Me Tangere, higit rin na masigla ang pag-aaral at pagtuturo ng El Filibusterismo dahil sa mga makukulay na larawan, animation, at audio.

  • Upang magkaroon ng pagtanaw ang mga mag-aaral at guro sa nasabing nobela, maaaring puntahan ang talaan ng mga nilalaman na nagsisilbing content map at talaan ng mga tauhan na matatagpuan sa unahang bahagi ng presentasyon.

  • Matutunghayan ang bawat bahagi ng nobela sa pamamagitan ng pagpihit ng mga pahina gamit ang imahe na pluma at/o kamay bilang cursor.

  • Makatutulong din ang navigation tools tulad ng nauna, kasunod, panimula, nilalaman, mga eksena sa bawat kabanata, ulitin, at bolyum upang nasa sariling pagpapasya ng mga mag-aaral at guro ang aaralin o tatalakaying bahagi.

  • Habang kasabay ang audio, mababasa rin ang mga salaysay at mga linya at pahayag ng mga tauhan para mas maunawaan ng mga mag-aaral ang bawat aralin. Maaari ring ikubli ang mga ito sa pamamagitan ng pagpindot sa salitang ikubli na makikita sa ibabang bahagi ng bawat pahina. 

  • Magiging madali para sa mga mag-aaral na makilala ang mga bawat tauhan kapag tinapat ang pluma sa mga larawan.

  • Magiging madali rin sa kanila na maintindihan ang mga malalim na salitang ginamit sa nobela sa pamamagitan ng pagtapat ng pluma sa mga salitang may haylayt.
Follow us in Facebook!