Noli Me Tangere
Sentro ng multimidyang presentasyong ito ang isa sa mga pangunahing nobelang isinulat ni Dr. Jose Rizal na may titulong Noli Me Tangere. Tinatalakay sa nobelang ito ang lumalalang kanser ng lipunang Pilipino at ang kalagayan ng Pilipinas sa ilalim ng mga Espanyol. Nailahad ni Rizal ang lahat ng ito sa tulong ng kanyang pangunahing tauhan na si Juan Crisostomo Ibarra.
Mga Tampok:
- Matutunghayan ang bawat bahagi ng nobela sa pamamagitan ng pagpihit ng mga pahina gamit ang imahe na pluma at/o kamay bilang cursor.
- Makatutulong din ang navigation tools tulad ng nauna, kasunod, panimula, nilalaman, mga eksena sa bawat kabanata, ulitin, at bolyum upang nasa sariling pagpapasya ng mga mag-aaral at guro ang aaralin o tatalakaying bahagi.
- Upang magkaroon naman ng pagtanaw ang mga mag-aaral at guro sa nasabing nobela, maaaring puntahan ang talaan ng mga nilalaman at talaan ng mga tauhan na matatagpuan sa unahang bahagi ng presentasyon.
- Habang kasabay ang audio, mababasa rin ang mga salaysay at mga linya at pahayag ng mga tauhan para mas maunawaan ng mga mag-aaral ang bawat aralin. Maaari ring ikubli ang mga ito sa pamamagitan ng pagpindot sa salitang ikubli na makikita sa ibabang bahagi ng bawat pahina kasama ang ibang navigation tools.
- Magiging madali para sa mga mag-aaral na makilala ang mga bawat tauhan kapag tinapat ang pluma sa mga larawan.
- Magiging madali rin sa kanila na maintindihan ang mga malalim na salitang ginamit sa nobela sa pamamagitan ng pagtapat ng pluma sa mga salitang may haylayt.
Walang duda na malaki ang kontribusyon ng presentasyong ito sa pag-aaral ng mga mag-aaral at sa pagtuturo ng mga guro dahil sa kawili-wiling pamamaraan ng paglalahad ng nobelang Noli Me Tangere.