Florante at Laura
Tampok sa multimidyang presentasyong ito ang obra maestra ni Francisco “Balagtas” Baltazar na may malaking ambag sa panitikang Pilipino. Pangunahing paksa ng Florante at Laura ang pagmamahalan ng dalawang magsing-irog sa kabila ng madugo’t marahas na ugnayang Kristyano-Moro. Tinatalakay din sa awit na ito ang mga mahahalagang aral sa buhay tulad ng pag-ibig sa Diyos at pag-ibig sa kapwa.
Mga Tampok:
- Upang mas maging masigla ang bawat pag-aaral at pagtuturo sa bawat aralin ng Florante at Laura, malaki ang maitutulong ng presentasyong ito dahil sa mga makukulay na larawan, animation, at audio.
- Magiging gabay ng mga mag-aaral at guro ang content map na matatagpuan sa unahang bahagi. Makatutulong ito upang magkaroon sila ng pagtanaw sa bawat aralin at upang magkaroon ng sariling pagpapasya kung aling aralin ang aaralin o tatalakayin.
- Makatutulong din sa aspektong nabanggit sa itaas ang navigation tools na makikita sa ibabang bahagi ng bawat presentasyon.
- Sa pamamagitan naman ng mga salita o mahahalagang ideya na nilagyan ng haylayt at binigyan ng maikling paliwanag o kahulugan, mas mauunawaan ng mga mag-aaral ang bawat aralin.
- Tugma ang nilalaman ng presentasyong ito sa nilalaman ng teksbuk.