Ibong Adarna

                                                                 

Matutunghayan sa multimidyang presentasyong ito ang maaksiyon at mapanganib na pakikipagsapalaran ng tatlong magkakapatid na prinsipe—Don Juan, Don Diego, at Don Pedro.  Pangunahing paksa sa koridong ito ang paglalakbay ng tatlong prinsipe patungo sa Bundok Tabor upang hulihin ang Ibong Adarna—ang ibon na nagtataglay ng mahiwagang kapangyarihan at ang tanging lunas sa di maipaliwanag na karamdaman ng kanilang amang si Haring Fernando ng Berbanya. Bukod dito, paksa rin sa koridong ito ang mga aral tungkol sa kabayanihan, kabutihang-loob, pag-ibig, at kababalaghan.


Mga Tampok:
 

  • Tugma ang nilalaman ng presentasyong ito sa nilalaman ng teksbuk.

  • Upang magkaroon ng pagtanaw ang mga mag-aaral at guro sa bawat aralin ng Ibong Adarna, magiging gabay nila ang content map na nagpapakita ng titulo ng mga nilalaman.

  • Sa tulong naman ng navigation tools, nasa sariling pagpapasya ng mga mag-aaral at guro kung aling bahagi ang aaralin o tatalakayin.

  • Makakatulong din sa pagkatuto ng mga mag-aaral ang mga salita o mahahalagang ideya na nilagyan ng haylayt at binigyan ng maikling paliwanag o kahulugan.

  • Dahil sa mga makukulay na larawan, animation, at audio, tiyak na kawili-wili ang multimidyang presentasyong ito sa pag-aaral at pagtuturo ng Ibong Adarna.
Follow us in Facebook!