EdTechie is the official newsletter of the EdTech Division of C&E Publishing, Inc. It showcases the e-learning products of C&E as well as the developments on its Philippine E-Journals project. It also highlights the advancements in educational technology and technology in general.

 



PrintE-mail

Volume 3, Issue 6 (November-December 2011)

Table of Contents

  • PEJ Wall: Updates on the Philippine E-Journals
  • CE-Learning SPOTLIGHT: Isang pagsilip sa diary ni Sinag...
  • The [Digital] Story of the Nativity: Reliving the First Christmas, Digitally
  • If you could have all the latest gadgets...

CE-Learning SPOTLIGHT: Isang pagsilip sa diary ni Sinag...

edtechie-v3-i6_cover-final_smallFriday, December 16, 2011

 

Dear Diary,

Alam mo ba dear diary, ang saya-saya ko! 10/10 ang nakuha ko sa quiz namin sa Filipino kanina! Pati ang mga kaibigan kong sina Mutya, Hara at Aya, wala ring mali! Buti na lang naisip nila sa paaralan na Sanghayà E-Quizzes na palagi ang gamitin namin.

Nakakatuwa talagang gamitin ang e-quizzes. Maraming makukulay na drawing at may animation pa! Ang ganda! Dati nagsusulat lang kami sa papel. Minsan napuputol pa ang lapis ko. Natatagalan tuloy ako sa pagsagot. Ngayon may lapis na din na magagamit ko sa loob ng computer!

Lalo pa akong ginanahan kasi may batang sumasayaw at nagpapatawa kapag tama ang sagot ko. May mga sound effect pa! Sinasabihan din ako na magaling daw ako! (Haha ako pala yung nasa loob noon!) Binati nga ako ng mga kaklase ko at nina teacher kasi ako ang mascot ng Sanghayà E-Quizzes. Ang ganda-ganda daw pala kasi ng Sanghayà. Sabi din nina ma’am, malaking tulong sa kanila ang e-quizzes kasi automatic daw mag-save ng scores namin. Hindi na sila tuloy napapagod mag-check ng maraming papel. Nakakatuwa talaga kasi proud na proud ang buong school sa akin. Tapos sina mama at papa din proud!

Kagabi may nativity play pala kami sa school! Alam mo ba? Ako si Mary sa play! Tapos si Kiko ang Joseph. Sina Juanito, Ceph, at Pancho yung Wise Men. Sabi ni ma’am, bagay na bagay daw sa kanila ang role, lalo na daw kay Ceph kasi brain siya! Hahaha! Nakakatawa talaga. Tapos si Gummy pala ang angel. Manika ang ginamit namin para kay Baby Jesus. Ang gaganda ng props namin saka mga costume. Parang yung mga nasa fairytale sa mga aklat at sa TV. Ang galing naming lahat umarte. Parang mga totoong artista daw kami sabi nina ma’am saka mga kaibigan ko! :)

Ang saya-saya ko talaga dear diary! Mag-aaral ako mabuti kasi gusto ko palaging mataas ang score ko sa mga e-quiz. At magpapakabait din ako para kay Jesus. Mahal na mahal pala tayo ni Jesus kaya sya pinanganak. Gusto ko maging masaya rin sya kaya magiging mabait akong bata! :) Si Jesus ang dahilan kaya may Christmas. Kaya pala madaming nagbibigayan ng mga regalo. Ako rin magbibigay ng mga laruan at pagkain ko sa mga kalaro ko. Tapos kapag meron akong classmate na nahihirapan sa assignment tutulungan ko sya. Yun ang gift ko sa kanila ngayong Pasko. :)

Bye dear diary! Merry Christmas!

 

Love,

Sinag

 

You need Adobe Reader to view this file. Click this link to download it.

 
Follow us in Facebook!